Husay ni Ria Atayde ipinakita sa Ipaglaban Mo: Disgrasyada


Share



Napanood ko noong Sabado ang Disgrasyada episode ng Ipaglaban Mo na isa sa top-rating daytime show ng ABS-CBN. The episode follows the story of Gladys played by actress Ria Atayde. Isang mabuti at masipag na guro si Gladys na kahit pwede sya magtrabaho sa mga malalaking kompanya ay mas pinili niya maging guro ng isang maliit na paaralan.


Dumating ang problema nang mabuntis siya ng kanyang kapwa guro at boyfriend na ginampanan ni Enzo Pineda. Nang malaman ng BF niyang buntis siya bigla itong nawala at di nagtagal ay nalaman ng namamahala ng kanyang paaralan ang nangyari sa kanya at kahit maganda ang performance niya bilang guro ay tinanggal siya sa kanyang trabaho.


Naniniwala si Gladys na di imoral at labag sa batas ang nangyari sa kanya at di dapat siya matermino sa kanyang trabaho bilang guro kaya lumaban siya at dinala niya ito sa korte.


Naniniwala si Gladys na di imoral at labag sa batas ang nangyari sa kanya at di dapat siya matermino sa kanyang trabaho bilang guro kaya lumaban siya at dinala niya ito sa korte.

Iba't-ibang emosyon ang nakita ko sa character ni Gladys mula sa umibig, nasaktan & lumaban pero nagawa ito ng maayos ni Ria. In just less than an hour ay nakatikim tayo ng iba't-ibang putahe ng emosyon. Napaka-kapangyarihan ng kanyang mga mata, kakausapin ka niya, tututokan mo talaga ang bawat eksena. Masarap manood ng isang programa kung kasing husay ni Ria ang mapapanood mo.

Ngayon pa lang naeexcite na akong mapanood ka sa isang teleserye.

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS