It's Official: Yuan Is Billie's Meant To Be


Share




After 20 weeks or 118 episodes of full of kilig adventure ni Billie (Barbie Forteza) sa paghahanap niya ng Ka-Meant To Be, sa wakas nakapili na siya sa isa sa apat na JEYA Boys na sina Andoy (Jak Roberto), Ethan (Ivan Dorschner), Jai (Addy Raj) & Yuan (Ken Chan).



Nagsimula ang huling linggo ng top rating kilig serye ng Kapuso network sa pag-amin ni Billie sa kanyang Mamay (Manilyn Reynes) na may lalake na siyang iniibig.

Last June 21 (Wednesday) episode, napanood nating lahat ang pagreject ni Billie kay Jai ng #TeamKAPE ang dating babaerong miyembro ng JEYA na nagbago nang dahil sa kanya. Kahit na masakit na ma-heartbreak, thankful pa rin si Jai sa inspiration na binigay ni Billie sa kanya that made him a better person.



Last night naman, inamin ni Billie kay Andoy ng #TeamPANDESAL na hanggang friendship lang ang kaya niyang ibigay para rito & di niya kayang tumbasan ang pagmamahal nito. That scene made me cry cause Andoy is a good son, hardworking guy and a soldier of love tapos may pa-pandesal pa pero failed sa love. Ano ba Billie?! Pero ganun talaga e, love is blind and one of a kind. At least kung noong umpisa ng kilig-serye ay torpe at mahiyain si Andoy ngayon pinakita niya na gaya ng pangalan niyang Andres siya ay matapang at marunong lumaban kahit na masaktan pa.

From 4 boys, 2 na lang naglalaban sa puso ni Billie. At ngayong gabi sa pinag-uusapang #MTBMeAndYouTheKiligFinale episode, Billie has finally made her decision. She finally revealed her "Meant To Be."

Kahit na sa umpisa, crush at naging malapit kay Billie ang dream guy ng mga kababaihan na si Ethan ng #TeamGATAS ay di niya ito pinili. Di pala si Ethan ang nagpatibok ng kanyang puso kundi si Yuan ng #TeamASUKAL. At dahil diyan kailangan ng bonggang rollback sa presyo ng asukal. Charoooot!



Yes, you read it right, Yuan is Billie's #MeantToBe. And grabeeeh itong lines nila na napakasimple pero super nakakakilig

YUAN: Billie mahal kita, kaya sabihin mo sa'kin bakit ako ang pinili mo

BILLIE: Kasi mahal kita.

Waaaaaah!!!! Kilig plus iyak. Grabeeeeeeh!!!

Mamimiss ko talaga ang show na ito na gabi-gabi na nagpakilig & nagpasaya sa akin. Sa aking social media accounts, tinatawag ko ang show na ito na my #HappyPill dahil puno siya ng good vibes kaya sinusubaybayan ko sa GMA 7 sa TV at sa iFlix streaming app.

Avisala Kapuso network for giving us a #HappyPill. 20 weeks na puno ng kilig at good vibes. Hanggang sa uulitin. SEASON 2 NA, PLEASE!!!

IMAGE 1, 3 & 4: GMA Network
IMAGE 2: Direk LA

Follow me on Twitter @byxbuzz. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

1 Comment

  • November 21, 2017 at 5:04 PM | Permalink

    Do you need free Facebook Followers & Likes?
    Did you know you can get them ON AUTOPILOT AND ABSOLUTELY FREE by getting an account on Like 4 Like?

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS