Ian Veneracion Joins the Cast of 'Pangako Sa'Yo' Remake


Share



Ilang buwan na lang at magsisimula ng mapanood ang epic love story nina Yna at Angelo at ang banggaang Amor Powers at Claudia Buenavista sa inaabangang 2015 remake ng 'Pangako Sa'Yo.'

So far, alam na natin ang 4 na bida ng grandest teleserye ng 2015 na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta. Maria at ang fresh mula sa tagumpay ng 'That Thing Called Tadhana' ang nag-iisang Angelica Panganiban na gagampanan ang mga iconic roles nina Yna, Angelo, Amor at Madam Claudia pero marami pa sa cast ang di narereveal.

Dahil love ko ang KathNiel fans at super happy ako sa kinita ng 'Crazy Beautiful You,' I'm going to reveal ang isa pa sa cast member ng bagong teleserye ng Star Creatives at ito ay walang iba kundi si Ian Veneracion... gwapo! This is not the first time na makakasama ni Ian ang KathNiel, matatandaang nakasama siya sa hit serye ni Direk Cathy ang 'Got 2 Believe' kung saan gumanap siyang ama ni Daniel.

Kung ano ang magiging role ni Ian sa PSY ay yan ang dapat nating abangan! Exciting, di ba? Pero mas dapat kayo maging excited sa news na ito, nagsimula na silang magtaping afor this teleserye at ang ilan sa mga unang eksena ay kinuhanan sa Sampaloc, Manila. Isa lang ibig sabihin nito, ito na, tuloy na tuloy na! Malapit na!

Photo by Star Cinema


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS