Full Trailer of the Pinoy Adaptation of 'Pure Love'


Share



Mula sa mga nagbigay sa atin ng mga teleseryeng 'Be Careful with My Heart' at 'Dugong Buhay,' ipinagmamalaking inihahandog ng ABS-CBN ang pagbabalik ng istoryang minahal natin tatlong taon na ang nakakaraan.

Pinagbibidahan ni Alex Gonzaga bilang si Diane Santos kasama rin sina Yen Santos, Arjo Atayde, Yam Concepcion, Joseph Marco at Sunshine Cruz at mula sa direksiyon ni Veronica Velasco ng pelikulang 'Tuhog.' Ito ang kwento na magpapatunay na walang saysay ang buhay kung walang tunay na pagmamahal. At kung dati ay di ako nanonood ng mga teleserye sa ganitong oras mukhang manonood na ako dahil naman sa trailer (below) pa lang gandang-ganda na ako sa teleseryeng ito. Huwag malungkot dahil maganda ang timeslot.

Abangan ngayong July (ito rin ang buwan na pinalabas ang original version sa Pilipinas) ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovelang 'Pure Love' sa ABS-CBN.

UPDATE: Pwede nang i-anunsiyo na papalit ito sa teleseryeng 'Mirabella' simula July 7.



Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS