Possible Housemate: Surfer & Dog Lover QUINITO VILLEGAS VILLAROSA


Share



College boy na laman ng mga party. Cutie Pie mula sa DLSU na laman ng mga Blind Items ng isang blog. Ganyan natin siya nakilala pero sa mga di nakakaalam, si Quinito Villegas Villarosa (I called him Q) ay isang Surfer at Dog Lover. Mas kilalanin pa natin si Q na isa sa mga Possible Housemates ng 'Pinoy Big Brother All In.'

Taong 2008 nang magsimula ang pagkahilig ni Q sa surfing. Madalas siyang tumungo sa napakagandang probinsiya ng La Union para mag-surfing. Noong nag-uumpisa pa lamang siya, nagagawa niya pang mag-stay sa mga Hotel sa La Unuion. Pero dahil sa full-time student pa lamang siya noon ay kinakapos ang kanyang budget kaya nagdesisyon niyang tumira kasama ang mga residente sa nasabing probinsiya.

Imagine, isang Conyo nakisalamuha at namuhay sa mga mahihirap. Binibigyan niya ng pera ang pamilya na tinitirahan niya. Likas na mabait, magalang at mapagkumbaba kaya di nahirapan ang mga residente doon na pakisamahan siya. Tuwang-tuwa ang mga tao doon sa kanya especially yung pamilyang nakasama niya kaya naman sa tuwing uuwi siya mula sa pag-susurfing ay ipinagluluto siya ng ilaw ng tahanan ng pamilya na iyon ng mga masasarap na pagkain. Pinatunayan ni Q kayang makisalamuha ang mga mayayaman at mahihirap. Napakita niya na walang dibisyon ang dapat maghati sa atin. Kaya naman hanggang ngayon ay minamahal pa rin siya ng mga residente doon.

Sa kabila ng pagiging masayahing tao, halos gumuho ang mundo niya na mawala ang pinakamamahal niyang aso na inalagaan at tinuring niyang baby sa napakahabang taon. Nahirapan ng husto si Q sa pagkawala ng aso niya. Pakiramdam niya may isang parte ng buhay niya nawala. Ilang taon din ang inantay niya para muling makapag-alaga ng aso. Sabi nga nila, kapag ang isang tao ay mabait sa mga hayop, asahan mong may mabuti itong puso. Aba, naniniwala ako sa kasabihan na yan dahil napatunayan na yan ni Q.

Mabait na, gwapo pa. Pero bago niya narating ang Cutie Pie status, isa siyang chubby teens na nakatanggap ng maraming masasakit na salita dahil sa hitsura niya. Mula sa pintas ng mga tao, nagkaroon siya ng goal na pumayat at magkaroon ng healthy lifestyle. Naging determinado at pursigido siya na makamit ito kaya naman isa na siya sa mga itinuturing na crush ng bayan.

Naginga bahagi ng Candy Cutie at isa sa mga naging challengers sa Jollibee Cross Country Drive Thru Challenge kung saan nakapartner niya ang pinsan niyang si Bob Real. Sumali din sa International competition na BBB. At last year din ay naging Drive Thru Brand Ambassador siya ng Jollibee.

Isa pang maibabahagi ko tungkol sa kanya ay ang pagiging mabuti niyang anak at kapatid. Kahit di mo siya tanungin, alam kong isa sa mga hinihiling niya sa Panginoon na gumaling na ang isa sa minamahal niya sa buhay. Dama ko ang kalungkutan niya. Habang ang bunso naman niyang kapatid na si James ay napakaswerte sa pagkakaroon ng kuya katulad ni Q. Isang kuya na cool, na parati niyang kasama sa mga simple at importanteng parte ng buhay niya. Madalas sila mag-bonding magkapatid, at kita mo sa kanya na magiging mabuti siyang ama.

College Party Boy. La Salle Cutie. Dog Lover. Surfer. Good Son. Best Kuya. Pero para sa akin siya ang aking Bro. Cheerleader. Adviser. At higit sa lahat KAIBIGAN.

Kung tatanungin ako ng "Who inspires you?" siya ang isasagot ko. The man who changed my life. The guy who inspired me to be a better person. Akala ko noon magiging masaya ako sa pagiging Basher sa Social Media pero hinde e pinakita niya sa akin na mas maganda pala maging mabuti. Kahit na nag-away kami sa una naming pagkakakilala, naging mabait pa rin ang trato niya sa akin. Sa kabila ng masasakit na salita na sinabi ko ay di niya ako ginantihan ng mga masasakit na salita na nararapat sa akin. Di ko akalain na magiging kaibigan ko siya.

Laki ng utang na loob ko sa taong ito. He deserves to be happy. I am so proud of you, Quinito.

Pero ang tanong, tatanggapin niya ba ang malaking hamon ni Kuya sa kanya o mas pipiliin niya ang pribadong buhay at mag-focus sa kanyang negosyo? Alamin ang kasagutan sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa mga Halo-Halong Housemates ng 'PBB ALL IN' simula April 27.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS