Possible Housemate: JC Timmons of Pangasinan


Share



Gaya ng ibang Halfie, lumaki din sa ibang bansa ang next Possible Housemate ng 'Pinoy Big Brother All In.'

Kahit namulat sa kultura ng North America, dala pa rin ni JC Timmons ang ugali at kultura ng isang Pinoy. Proud siya sa kung anong dugo ang nanalaytay sa kanya.

Kahit maganda ang pamumuhay sa North America, para kay JC andito sa Pilipinas ang kanyang pangarap. Minsan na niyang sinabukan sumali sa PBB nang magkaroon ito ng audition sa North America, ilang taon na ang nakaraan. Pero di nga lang sya napalad.

Kahit nabigo ay tinuloy niya pa rin ang kanyang pangarap. Naninirahan na siya ngayon sa Pilipinas at unti-unti ng natutupad ang kanyang pangarap. Napanood na siya sa ilang proyekto gaya ng 'Girl Boy Bakla Tomboy' at meron na siyang sariling TV show.

Possible Housemate: The Controversial Dancer

Kapag may oras ay ginagawa niyang balikan at dalawin ang probinsiya ng Pangasinan na hometown nila. At infairness to him, nagagawa niya pang mamalengke na ikinakatuwa ng mga tao doon.

And I must say he is a really, really nice guy kaya naman sila Young JV & 'PBB Teen Edition 1' 2nd Big Placer Gerald Anderson ang kanyang mga homies.

Sa 'PBB ALL IN' na kaya matupad ang pangarap niya? Abangan ang kasagutam simula ngayong April 27 sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para saga Halo-Halong Housemates.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS