Possible Double Up Housemates: FOURTH & FIFTH SOLOMON


Share



Iba man ang kanilang hilig at gusto, iisa naman ang kanilang mukha at minimithing pangarap. Meet the twin brothers Bobby (FIFTH) and Robert (FOURTH) Solomon.

Half-German & Half-Filipino ang kanilang Daddy, who is in the States & di nila madalas kausap habang Filipina naman ang kanilang nanay na naninirahan na sa Japan. Now we know why these twins are sooo cute. Hashtag: #Halfies. Ang ate nila na si Charisse Solomon na isang Kapuso comedy actress ang nag-aalaga sa kanila dito sa Pilipinas.

Possible Housemate: Lumaki man sa Canada di pa rin niya kinalilimutan ang bayan nila sa Pangasinan. Kilalanin siya!

Pero kahit nasa ibang bansa ang mga magulang eh may mga pagkakataon na kinakapos sila ng pera lalo na sa pambayad ng tuition fee buti na lang nakakatulong ang ate nila na kumikita nila sa pag-aartista.

Dahil sa gwapo, naging bahagi sila ng ilang ads, at ang kinikita nila mula rito ay ginagamit nila sa mga gastusin. Mas nakilala ang magkapatid ng maging miyembro sila ng Dance Squad, dating grupo ng mga sumasayaw at kumakantang cutie teens. Umalis ng Dance Squad at sumali sa isang talent show ng GMA si Bobby kung saan mas napaklita niya ang kanyang talento sa pagkanta at pagiging performer.

Sa ngayon, ang kambal na magkamukha ay mukha pa rin ng ilang TV commercials. Magkaiba man ang pinagkakaabalahan nila, nagkakaisa naman sila sa hangaring makapasok sa Bahay ni Kuya. Sila na kaya nag Double Up Housemates ng 'Pinoy Big Brother All In'? Abangan ang kasagutan simula ngayong April 27.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

1 Comment

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS