Possible Celebrity Housemate: Lady Spiker RACHEL ANN DAQUIS (RAD)


Share



Di naging madali para kay Rachel Ann Daquis (RAD) ng Quezon City na tuparin ang pangarap niyang mapasama sa isang women's volleyball team ng UAAP. Una siyang sumubok sa University of the Philippines (UP) pero di siya napili. Sumubok siya ulit, sa pagkakataong iyon ay sa University of Sto. Tomas (UST) pero gaya ng nauna di pa rin siya napili.

Possible Housemate: The Son of a Queen

Di sumuko ang Possible Celebrity Housemate ng 'Pinoy Big Brother All In,' muli siyang sumubok. At sa pangatlong pagkakataon na iyon ay pinalad na siya at napabilang siya sa Lady Tamaraws. Malaki ang naitulong niya sa women's volleyball team ng Far Eastern University (FEU) dahil nagawa niyang maidala sa Finals sa loob ng 3 taon ang team niya at naging champion pa sila. Kaya naman di nakakapagtakang sumikat siya ng husto sa larangan ng sports.

Di lang sa sports siya nangingibabaw, pati rin sa pagandahan kaya naman tinanghal siya bilang isa sa mga pinakamagandang Volleyball Players ng Pilipinas. Sa ngayon ay naglalaro na siya para sa Ateneo Lady Eagles sa Shakey’s V-League.

Makapasok kaya ang Half-German, Half Filipina Model and Lady Spiker sa mas pinagandang Bahay ni Kuya si RAD? Yan ang dapat abangan sa pagsisimula ng 'PBB All In.'


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS