Possible Celebrity Housemate: Ai Ai's Son SANCHO DELAS ALAS


Share



Bunga ng isang pagmamahalang di nagtagal ang next Possible Celebrity Housemate ng 'Pinoy Big Brother All In.'

Siya si Sancho delas Alas (Sancho Vito) o mas kilala bilang panganay na anak ng nag-iisang Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas. Mukhang kakayanin ni Sancho na malayo sa pamilya niya sa loob ng mahigit 100 araw dahil matagal din siyang nanirahan sa US para mag-aral. Kailan lang nga ay nagtapos sya ng short course ng culinary sa New York University.

Possible Celebrity Housemate: The Azkals Midfielder

Malapit sa kontrobersiya itong si Sancho. Minsan na siyang naging laman ng mga balita matapos siyang madamay sa isang gulo sa isang convenience store. Siya din ang tumulong sa kanyang ina na malaman ang pangloloko ni Jed, huling nakarelasyon ng Mama Ai niya, noong nakaraang taon.

If ever makapasok sa Bahay ni Kuya sa loob ay mukhang magiging 2 ang magaling magluto if ever makapasok din ang isang chef na Possible Housemate. But I'm sure, mas gusto niya maging proud ang kanyang ina sa kanya kaya siya nag-audition noong January 29. Ang tanong, tanggapin kaya siya ni Kuya bilang official celebrity housemate? Abangan ang kasagutan simula bukas sa 'PBB ALL IN.'


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS