YouTube Sensation JAMICH Sumali sa 'PBB All In'


Share



Sino mag-aakala na ang masaya at nakakakilig na pagsasamahan ay bigla-bigla mababalot ng kalungkutan? Isa ako sa napakaraming nagulat at nalungkot ng malaman na si Jam ng real-life couple at YouTube sensation na Jamich ay natuklusang may sakit na cancer (pwera sa atin). Napakabata pa ni Jam para maranasan ang ganitong karamdaman at kabigat na problema. Sa kabila ng tinataglay niyang karamdaman ay positibo at masaya pa rin hinaharap nina Jam at Michelle (Jamich) ang laban nila sa sakit na cancer. Naging inspirasyon si Jam sa mga cancer patients na hindi nawawalan ng pag-asa.

Sa mga di nakakaalam, isa ang Jamich sa mga pares na naimbitahan sa auditions ng 'Pinoy Big Brother Season 5' o 'Pinoy Big Brother All In' noong January. Kung ano man ang naging resulta ng auditions ay wala na itong halaga dahil sa sakit na mayroon ngayon si Jam. Alam naman nating importante kay Big Brother ang kalusugan.

Magpagaling ka Jam. Kaya mo yan. Pagsubok lang sa iyo ni God. Umaasa ako na happy ending pa rin for Jamich. Salamat sa mga oras na pinakilig ninyo kami.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS