'The Voice Kids PH' Blind Auditions Taping Ngayong March Na!


Share




Magbabalik na nga ang isa sa mga reality shows na pinakamimiss natin, ang 'The Voice of the Philippines.'

Mas iinit ang Summer ng mga Pinoy sa labanan ng mga boses ng Pinoy Kids. Sinong Pinoy kid ang tatanghaling kauna-unahang Grand Champion ng 'The Voice Kids (Philippine Edition)'?

Kasama ng pagbabalik ng reality show na bumago sa singing competition sa Pilipinas ang 3 coaches na namiss natin. Muli silang uupo sa mas pinabonggang red chairs para kumpletuhin ang kani-kanilang team at tulungan ang bawat kid artists na tuparin ang kanilang minimithing pangarap.

Magsisimula ang taping ng pinaka-aabangang The Blind Auditions ngayong Marso. Gaya din ng 1st season ng main edition, kung saan tinanghal na The Voice si Mitoy Yonting, tatagal ang taping ng Blinds ng apat na araw.

Ilang araw na lang malalaman na natin ang mga miyembrong bubuo sa 3 teams. Ilang araw na lang mag-uunpisa ang digmaan ng mga boses ng Pinoy kids. Ilang araw na lang magsisimula na ang journey ng mga Pinoy kids. Dahil pangarap pa rin ang puhunan, at boses lang talaga ang labanan. Ito ang 'The Voice Kids (Philippine Edition)' ngayong Summer na!

UPDATE: Sa ngayon, bawal pa sabihin ang exact dates ng taping, abangan sa mga susunod na araw dito sa aking blog kung anong petsa gaganapin ang 4-day taping ng blinds.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    March 14, 2014 at 8:35 PM | Permalink

    sa studio 10 na ang blinds ng tvop kids at inaayos na para sa taping next week wala ka bang pasilip???

  • April 4, 2016 at 11:37 PM | Permalink

    Do you have any idea about how to be a live audience for the taping? Thankss!!!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS