It's a Goodbye! 'PBB All In' is the FINAL REGULAR SEASON of PBB


Share



Isang reality show na nagmula sa bansang Netherlands ang isinilang sa Philippine TV noong August 2005. Marami ang kumuwestiyon sa pagbili ng ABS-CBN sa 'Big Brother' na masasabing pinaka-kontrobersiyal na reality show sa Europe dahil sa mga maseselan na mga eksena ng mga Housemates na pinapalabas naman sa TV.

Sa kabila ng pagiging liberated ng show ay nagawa pa rin ng Kapamilya network na lagyan ng panlasang Pinoy ang programa. Maliban sa pagpapakita ng mga ugaling Pinoy ay naging instrumento din ang 'Pinoy Big Brother' na maging inspirasyon ang mga Housemates sa mga Pinoy. Pinag-usapan ng husto ang mga eksena sa lahat ng seasons at editions nito na talaga namang tumatak at bumago sa Philippine TV history. Naging bahagi tayo sa pagkamit ng tagumpay ng mga tinanghal na Big Winners mula kay Nene Tamayo hanggang kay Myrtle. Ang PBB na nga ang masasabing pinakamalaki at nangungunang reality show ng bansa na hanggang ngayon ay pinag-uusapan at pinaka-aabangan pa rin. Pero lahat ng bagay maganda man o hindi, matagumpay man o hinde ay may katapusan.

After ng 10 seasons (4 Regular Seasons, 2 Celebrity Editions & 4 Teen Editions) ng 'Pinoy Big Brother' kung saan nakilala natin ang daan-daang Pinoy Housemates na naging inspirasyon, kinainisan, minahal, nagpatawa, nagpaiyak, nagpakilig sa atin ay malapit ng dumating ang takdang panahon ng tuluyang pagsarado ng pinto ng Bahay ni Kuya.

3 Ultimate seasons na lang ang natitira at tuluyan na tayong magpapaalam sa pinakamamahal nating reality show. Ang una sa Final 3 seasons ng PBB ay ang 5th regular season na tinawag na 'Pinoy Big Brother All In' na magsisimula na ngayong summer to be hosted by Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo, John Prats and Slater Young (that's why Robi and Toni won't be part of the upcoming seasons of 'The Voice Philippines').

Nakakalungkot malaman na nalalapit na ang takdang panahon (few years from or maybe next year) ng pamamaalam natin sa PBB. Tiyak mamimiss natin ito sana mag-renew pa ang ABS-CBN pero kung magtatapos man ang PBB, masaya ako na magtatapos ito na pinag-uusapan at matagumpay. *tears*


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

4 Comments

  • gravatar Anonymous
    April 9, 2014 at 3:12 AM | Permalink

    Pano mo nasabing mage-end na? Eh ang pirmahan nila with Endemol is per season.

  • gravatar Anonymous
    April 16, 2014 at 7:31 AM | Permalink

    I wanna know where you got this information. Direk Lauren confirmed on UKG that there will be PBB next year.

  • April 18, 2014 at 10:19 PM | Permalink

    @anonymous #2 He said there will be next season next year. Pakibasa maigi ang blog sinabi ko bang walang next season, ang nakalagay diyan ay Final Regular Season

  • gravatar Anonymous
    June 7, 2014 at 10:52 PM | Permalink

    yes i ask direk lauren on twitter at sabi niya meron pa daw next PBB

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS