#TheVoiceKIDS Coaches: Sarah, Lea, Bamboo


Share



Ngayong taon, ang mga boses ng mga Pinoy Kids naman ang bibida sa buong mundo. At isa sa kanila ang tatanghaling kauna-unahang 'The Voice Kids.'

Sa pagkamit ng kanilang malaking pangarap ay gagabayan sila ng 3 sa pinakasikat, pinakanirerespetong mang-aawit ng ating bansa. Mula sa iba't-ibang larangan ng musika, sila ay muling uupo sa mas pinabonggang Red Chairs bilang mga nagbabalik na Coaches!


Yes, tama ang basa ninyo magbabalik ang mga minahal nating Coaches sa 'The Voice of the Philippines.' Pero dahil Kids edition ito, 3 lang sa kanila ang ating makakasama.

Una na riyan ang gwapong Rock Star na si Bamboo na exciting panoorin kung paano niya I-cocoach ang mga kids na mapupunta sa #TeamBAMBOO o mas kilala bilang #KampKawayan. Magkaroon kaya muli ng kontrobersiyal na desisyon ang Voice of Rock?


Kapag tinanong mo ang mga kids kung sino ang idol nilang local singer parating nangunguna diyan ang Pop Singer na si Sarah Geronimo. Magandang ehemplo si Sarah sa mga kids, dahil nagsimula din siya sa sa reality show at sa ngayon ay hit ang kanyang mga love songs na talaga namang nakakakilig. Ang husay niya ay hinahanggan di lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Maganda at talented na, mabait at mapagmahal pa sa kanyang mga fans kaya naman crush ko siya. Si Voice of Pop na kaya ang manalong Coaxh sa unang season ng Kids Edition.


Nagbabalik din ang formwr child star at Voice of Disney and Broadway na si Ms. Lea Salonga. I'm sure aabangan ulit natin ang kanyang mga magiging komento sa mga performance ng mga kids. Magawa niya kaya ulit maipanalo ang kanyang team?

3 Coaches. 3 Teams. One Ultimate Singing Competition. Let your voice be heard, kids. This is 'The Voice Kids. Abangan ngayong taon sa ABS-CBN.


Photo 1 by Pao!

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

3 Comments

  • gravatar Anonymous
    January 31, 2014 at 2:07 AM | Permalink

    @msleasalonga is a DREAM COME TRUE!!!! I LOVE YOU. <333333

  • gravatar Anonymous
    January 31, 2014 at 2:09 AM | Permalink

    Ms. Lea Salonga!!! WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOW!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  • gravatar Anonymous
    January 31, 2014 at 8:16 AM | Permalink

    BAMBOO!!!!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS