Sarah Geronimo Magbabalik Bilang Coach sa 'The Voice PH 2'


Share



Sa kanyang contract signing para sa ini-endorso niyang produkto kaninang tanghali, kinumpirma ng The Voice of Pop Sarah Geronimo na magbabalik siya bilang coach sa nangunguna at pinaka-pinaguusapang singing competition ng 'The Voice of the Philippines' para sa season 2 ng regular edition nito.

From PEP.ph

Kaya bagamat may ilang ayaw sa kanya na maging coach sa naturang programa, hindi ito naging hadlang para muling tanggapin ang trabaho para sa ikalawang season ng The Voice of the Philippines.

Kinumpirma niya kanina, “Nag-yes na po kami for the second season.

“Noong una, ayaw ko kasi traumang-trauma na ako, e.

“Pero sabi ko, si Ms. Lea nag-yes na rin.

“Masarap sa pakiramdam ang naging bahagi ka ng pagtupad ng pangarap ng ibang tao.

“In a way, parang nakakatulong ka na rin kung anuman yung naibibigay mo, naise-share mo sa mga tao. Masarap.

Samantala, excited na ang Pop Princess sa kanyang 10th anniversary concert na magaganap sa November 15 sa Araneta Coliseum sa Quezon City, at sa November 30 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Inaasahan na makakasama niya rito ang members ng #TeamSARAH at ang naging representative niya sa Grand Finals ng season 1 na si Klarisse de Guzman na tinanghal namang runner-up.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS