Poster & Teaser for 'The Voice PH' The Grand Finale


Share



"Listen, The Voice of the Philippines is about to be heard." Ang linya sa unang promo spot ng 'The Voice of the Philippines' na nilabas ng ABS-CBN ilang araw bago magtapos ang taong 2012. Lahat ay nanabik at naalerto sa Philippine version sa talent show na bumago sa mukha ng singing competition sa mundo.


Mas lalong nanabik ang madla sa nang ipakilala ko na si Toni Gonzaga ang napili ng ABS-CBN na maging official host nito habang si Robi Domingo naman ang napiling V-Reporter. Pinost ko ito sa aking blog ilang oras bago ang birthday ni Toni. (Read here)

Isang buwan matapos ilabas ang unang promo spot, opisyal ng nilabas ng ABS-CBN ang Promo Spot #2 kung saan opisyal ng ipinakilala si Toni Gonzaga bilang host ng programa.


At nagbigay na nga ako ng clues sa mga magiging Coaches at isang linggo matapos i-release ang The Host Promo Spot ay inihayag ko na sa aking blog na si Sarah Geronimo The Voice of Pop at isa sa magiging apat na coaches. (read here) Ilang oras after ko itong i-blog ay nilabas na ng ABS-CBN ang promo spot for Coach Sarah.


Ilang araw lang ang lumipas, na-blog ko na ang The Voice of Rock ay walang iba kundi si Bamboo (read here) at di nagtagal opisyal na din itong inihayag ng ABS-CBN


Inihayag naman ni Ms. Lea Salonga sa kanyang Twitter account na isa nga sa magiging Coaches bilang The Voice of Disney and Broadway at ni-release agad ng ABS-CBN ang official promo spot nito.


At isang araw matapos ang nakakalokang anunsiyo ni Ms. Lea, pinost ko sa aking blog na si Black Eyed Peas member apl.de.ap ang huling Coach sa famous red chair para sa unang season nito. (Read here)

Noong Marso, naging opisyal ang pagsali ni apl bilang The Voice of Hiphop & RNB.


Marso din ng magsimula akong magbigay ng updates sa magaganap na Blind Auditions. At ako rin ang unang nag-blog sa major sponsor ng programa, ang Resorts World Manila, pati na rin ang offcial venue at dates ng Blind Auditions taping. Napost ko rin ang unang sulyap sa controversial na Blind Audition set and Red Chair. At noong Abril, bago pa opisyal ihayag ng ABS-CBN ay nauna kong na blog na magiging bahagi ang nagbabalik Kapamilya noon na si Alex Gonzaga bilang isa sa mga V-Reporters.

Ni-reveal ko rin ang ilan sa mga invited artists at twist sa Blind Auditions. Hanggang magbigay ko ng pasilip sa set ng Battle Round, gayundin ang ilan sa mga pares at ang pinag-usapang three-way fight.

Dumating ang Live Shows, at patuloy ako nagbigay ng updates sa bonggang set nito. At ngayon nga ilang araw na lang at magtatapos na ang kauna-unahang season ng 'The Voice of the Philippines' at masaya ako sa siyam na buwan na experience ko sa programang ito.

Tapos na ang Blind Auditions at Battle Rounds. Lumipas na ang Live Shows. Heto na ang katapusan ng pinaka-engrandeng singing competition ng bansa kung saan pangarap ang puhunan, boses ang labanan!

Kaninong boses ang pakikinggan ng sambayanan? Kaninong boses ang mangingibabaw at pakikinggan ng taong-bayan?

Nakanino kaya kina coach Lea, coach Apl, coach Sarah & coach Bamboo ang huling halakhak?

Sino kina Mitoy, Janice, Klarisse at Myk ang tatanghaling kauna-unahang The Voice of the Philippines? Abangan ngayong Sabado at Linggo sa ABS-CBN!




Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS