Win Free Tickets to 'The Voice PH' Live Shows


Share



Grabeeeeh! Dama ko pa rin ang 'The Voice of the philippines' Live Shows fever!

Kagabi gumawa ng kasaysayan sa Philippine TV ang Kapamilya talebt show matapos masaksihan ang pinakabonggang stage for a local TV show. Dagdag pa diyan ang pinag-usapan at pinalakpakang opening number ng Top 24 artists at ng coaches. Stage at opening number pa lang ay sulit na ang ilang oras na inintay ng live audience sa Newport Performing Arts Theatre. Di lang sa opening prod natapos ang pasabog ng 1st Live Show dahil world class performances ang ipinakita ng karamihan sa 12 artists na nagpeperform kagabi.

Sinabi ng karamihan na ni-level up ng programang ito ang singing competition sa Pilipinas. Kaya di nakapagtataka na kahit super laki ng NPAT sa Resorts World Manila ay napuno ito, sa bandang likuran ng venue ay nagsiksikan sa mga upuan ang mga audience. Ayon sa RW Manila, ngayon lang nila naranasan ang ganun kadaming tao at ganun kahabang pila. Ganun kalakas ang 'The Voice of the Philippines.'

Pero paano nga ba makapanood ng Live sa pinag-uusapang talent show na patuloy na bumabago sa mukha ng singing competition sa Pilipinas? Sa mga gustong bumili ng tickets, sorry to say di ito pinagbibili! Pero may paraan para makakuha ka ng tickets (take note, it's plural).

Kailangan mo ng panoorin ang isa artist ng #TeamLEA na si Mitoy Yonting at ang kanyang bandang Draybers sa Bar360.

1. You need to be member of RWM (free membership)

2. If you will watch Draybers Band, proceed to Bar360 counter, swipe your card and you will get a raffle voucher. Yung raffle voucher i-paparaffle & sa mismong show pipiliin ang mananalo.

Every Tuesday, Friday and Saturday ang schedule ng Draybers band. The show starts at 9.15 PM. Bawat gabi ay may pipiliing 10 winners ng 2 tickets sa Live Show.

Abangan bukas dito sa byxbuzz ang Exclusive BTS photos ng 1st Live Show!


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS