Judy Ann Santos, Mananatiling Kapamilya!


Share


Ngayong buwan ng Agosto mawawala sa ere ang pinag-uusapan at parating panalo sa rating na teleserye ng nag-iisang Pinoy Soap Opera Queen na si Ms. Judy Ann Santos, ang <I>'Huwag Ka Lang Mawawala.'</I>

Desisyon ni Juday at ng pamunuan ng show na huwag ng pahabain ang teleseryeng ito para di masira ang istorya sa kabila nga ng mataas nitong ratings at maraming commercial loads. Kasabay ng pagtatapos ng teleserye ni Juday ay ang pagtatapos din ng kaniyang kontrata.

Ayon sa tweet ni Direk Laurenti Dyogi, may mga offers sila para kay Juday kung saka-sakaling magrerenew ito ng kontrata bilang isang Kapamilya. Marami ang nag-isip na baka lumipat na ibang network ang reyna ng Pinoy soap opera dahil sa mga makahulugan nitong mga tweets.

Pero ayon sa isang insider sa ABS-CBN, mananatiling Kapamilya si Juday at nakatakda ang kaniyang contract signing next week.

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    August 9, 2013 at 2:01 PM | Permalink

    yun na nga ..sana bago o nag uumpisa pa lang ang teleserye nya sinabi na nya na di nya gusto na pinahahaba pa ang teleserye..kasi nakakalungkot isipin kapag may mga comments na kaya tatapusin ang teleserye nya dahil natalo ng kabila...natawag pa tuloy syang mini teleserye queen...thou naniniwala ako na mas marami syang commercial load kesa sa kalabang soap...wala pa yatang dalawang buwan, magagaling naman kasama nyang artista...maganda ang story...

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS