Top 52 Artists Magtatapan sa 'The Voice PH' Battle Rounds


Share



3 episodes na lang at magtatapos na ang pinag-uusapang Blind Auditions ng 'The Voice of the Philippines' at sa darating na July 28, Linggo, magsisimula na ang tapatan ng boses, next level na ang labanan sa BATTLE ROUNDS!

Malapit ng mabuo ng bawat coaches ang kani-kanilang team. Sa season na ito, mayroong 13 MEMBERS ang bawat team, sa kabuuan may 52 artists ang nakapagpa-ikot ng Pinoy Red Chairs sa Blind Auditions. Ang TOP 52 ARTISTS na mga ito ang sasabak at magtatapatan sa Battle Rounds.

Magkakaroon ng 6 battles ang bawat team at isa sa mga ito ay ang Triangle Fight. Ang Battle Rounds ay tatakbo ng 7 episodes, meaning sa darating na August 18 ito magtatapos. At sa darating na August 24 naman magsisimula na ang Live Shows na mgaganap sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

Sinu-sinong artists ang magpapasiklab sa Battle Rounds? Iyan ang dapat abangan sa 'The Voice of the Philippines' BATTLE ROUNDS ngayong JULY 28 na!

Photo via thevoice.abs-cbn.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS