Producers ng 'The Voice PH' Sinisisi ng Ilang Artists Dahil sa Maling Song Choice


Share



Wrong song choice - iyan ang madalas na ikomento ng four coaches sa mga invited artists sa Blind Auditions ng 'The Voice of the Philippines.' Pero ang tanong sino nga ba ang namimili ng kakantahin ng isang artist sa Blinds.

Bago pa sumabak sa Blind Auditions ang isang artist, kailangan niya munang dumaan sa open call auditions o kaya sa special auditions o go-see at sa mga scouting. Ang mga auditions na ito ay di umeere sa TV at di mo pa mahaharap ang apat na coaches. Kailangan ma-please ng boses mo ang producers/staff na tumatayong judges. At malaki ang posibilidad na ilang segundo ka lang pakantahin dahil sa kakulangan ng oras dahil sa dami ng sasalang sa auditions.

After makapasa ng isang auditionee, tatawagan siya ng staff to ask about his/her life story, musical background at tatanungin din sa kaniya ang 5 SONGS na gusto niyang i-perform sa Blind Auditions if ever maimbitahan siya sa Blind Auditions.

After ng open-call auditions and go-sees ay magkakaroon ng casting call,t dito mamimili ang producers ng show ng mga artists na iimbitahan sa Blind Auditions.

Kapag naimbitahan ka sa Blinds, bibigyan ka ng producer ng kanta na ipeperform mo sa likod/harap ng coaches. Ang kantang ito ay mula sa 5 kantang pinili ng artist during the interview.

May ilang artists na sinisisi ang producers ng show sa mga binigay sa kanilang kanta na naging dahilan ng kanilang pagkatalo na ayon nga sa coaches ay wrong song choice. Pero ayon naman sa mga taong nasa likod ng #TheVoicePH, kung maganda talaga ang boses mo, kahit anong kanta pa iyan ay kaya mong pagandahin at saka sa artist din nagmula ang napili nilang kanta.

May mga napanood tayong Blind Auditions na mas nagustuhan ng coaches ang 2nd song nila kaysa sa naging song nila sa mismong Blinds, gaya na lang sa naging sitwasyon ni Lee Grane, kahit na nakapasa siya at napa-ikot niya ang Red Chairs nina Sarah at bamboo, mas nagustuhan ng coaches ang 2nd song niya.

Kayo, #TheVoicePH fans, sino ang dapat sisihin sa wrong song choice, ang producers o ang mga artists mismo?


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    July 13, 2013 at 11:18 PM | Permalink

    Ganyan talaga siguro ang kalakaran sa The Voice franchise.

    ganitong-ganito ang na-experience ni DEZ DURON sa the VOICE US.
    nailiminate siya noong BA of 2nd Season because of wrong choice of song. but sa 3rd season umungos siya hangang sa top8 live shows.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS