PDA's Chivas Malunda Sumabak sa 'The Voice PH' Blind Auidtions


Share



Minsan na nating napanood sa 2nd season ng 'Pinoy Dream Academy' ang susunod na Visayan Artist na sumabak sa Blind Audition ng pinaka-unang season ng 'The Voice of the Philippines.'

Siya si Chivas Malunda na nakilala bilang isa sa couple scholars ng PDA 2. Naging maiksi lang ang naging journey niya sa nasabing competition dahil sa kanyang kalusugan. Pero kahit maiksi lang ito ay tumatak siay sa viewers dahil gwapo at magaling talaga siyang Pop-Rock performer.

After PDA 2, napili naman siyang kumanta ng 'Tagumpay' na official theme song ng dating Kapamilya reality show na 'Pinoy Fear Factor Argentina' pero di rin nagtagal ay nawala na siya sa eksena sa OPM.

Ang 'The Voice of the Philippines' na kaya ang tamang pinto na papasukan niya. Magtagumpay kaya siya sa hangarin niyang magpaikot ng Red Chair. Yan ang dapat nating abangan!

Photo via abs-cbn.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS