Gwapong 'The Voice PH' Artist JACOB BENEDICTO Nag-Trend sa Twitter, Excited Makasama ang Fans


Share



Isa sa tumatak na artist sa Blind Auditions noong Linggo ay ang gwapong si Jacob Benedicto.

He performed 'The Way You Look Tonight' but sadly walang red chair na umikot sa kanyang performance. Pero kahit tapos na ang journey niya sa 'The Voice of the Philippines' ay patuloy siyang pinag-uusapan!



Sa katunayan, after umere ang Blind Auditions spot niya ay nag-trend siya worldwide sa micro-blogging site na Twitter. Some netizens said, nagkamali ang 4 coaches sa di pag turn ng kanilang red chairs at para sa kanila karapat-dapat si Jacob na makapasok sa next round ng singing competition. Biglang buhos din ang mga supporters niya sa Twitter, in 30 minutes, libo agad ang followers na dumagdag sa kanyang official Twitter account na @JacobBenedicto.

Maliban sa kanyang boses, di makakaila na malakas ang hatak niya sa mga TV viewers dahil sa akin niyang kaguwapuhan. Sabi pa ng ilan, bagay siya maging leading man sa mga teleserye, pang-heartthrob nga raw ang dating niya. Talagang bagay rin siya maging artista dahil may karanasan na siya sa pag-arte sa theatre.

He's currently studying in DLSU and he does covers on YouTube. Here's his rendition of 'Yakap sa Dilim':



At alam ninyo ba, pwede ninyong makasama sa isang mall show si Jacob? Yes, pwede kayong manalo ng VIP passes sa mall show niya with other Fame Factory artists and TV 5's Sophie Albert and Vin Abrenica. Ito ay magaganap sa July 7, 3 PM sa Garden Square, Harrison Plaza, Manila.

Para manalo ng VIP passes just tweet hashtag #ESpeciallyForYou

********



Photo by Raiza Poquiz
Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS