EXCLUSIVE PHOTOS: 'The Voice PH' Artist JACOB BENEDICTO Pinagkaguluhan ng Fans


Share


Iba talaga ang karisma ni Jacob Benedicto, isa sa mga artists na sumabak sa pinag-uusapang Blind Auditions ng 'The Voice of the Philippines.'

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin siya sa Twitter, Facebook, forum, at YouTube dahil sa naging kapalaran niya sa nasabing talent show. Marami ang nanghihinayang sa maaga niyang pagkatanggal, at ang iba ay nagsasabi na sana ay kung may wild card man daw ang 'The Voice of the Philippines' sana mapili si Jacob dahil sa bukod sa guwapo ay meron naman talagang boses na maipagmamalaki!

Sa naganap na mall show ng FameFactory sa Harrison Plaza noong July 7, ang DLSU student na si Jacob ang pinaka-pinagkaguluhan ng mga fans. Pinakilig ng husto ni Jacob ang kanyang mga tagahanga. Grabe, super lucky ng mga winners na napili namin sa aming naganap na online promo sa Twitter kung saan nakakuha sila ng VIP pass at nagkaroon pa sila ng chance na ma-meet at greet si Jacob. If gusto mong mas makilala si Jacob, follow him on Twitter @jacobbenedicto.










Kasama ni Jacob na nag-perform sa Harrison Plaza ay ang iba pang FameFactory artists na sina Abel Estanislao, Annika Gonzalez (Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo), Jake Seneres (Be Careful With My Heart), Jasmine Abrenica, Julz Savard, Kate Alejandrino, Ross Pesigan at ang super gandang si Sophie Albert. Sila Ali Forbes, Sunyee Maluche at ang ka-love team ni Sophie na si Vin Abrenica naman ang naging guests.

To get latest updates sa mga artists na ito at kina Sophie Albert at Jacob Benedicto, just follow @FameFactoryPH on Twitter!















Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS