EXCLUSIVE PHOTOS: 1st Taping Day ng 'The Voice PH' BATTLE ROUNDS sa RW Manila


Share






Like what I always tweet, ngayong araw nagsimula ang taping ng BATTLE ROUNDS ng kauna-unahang season ng 'The Voice of the Philippines.

Hinde pa ito ang actual na Battle Rounds, kung saan magtatapatan ang 2 o higit pang artists ng bawat team kung saan isa lang sa kanila ang magkakaroon ng pagkakataon na maging bahagi ng Live Shows na magaganap naman sa August. (READ HERE) pero ito daw ang tinatawag nilang CAMPING ng Battle Rounds.

Dito magsasamasama ang Coach, Advisor at ang Artists ng bawat team. Dito makakabonding ng artists ang kanilang Coach na mapapanood natin bago pa magsimula ang showdown ng bawat pares at trio. Sa Camping din nila malalaman ang artist na makakalaban o makakatapat nila sa showdown.

At dito rin nila mami-meet ang Advisor ng kanilang team at sa unang pagkakataon ma-eexperience nila kung paano mag-Coach ang kanilang coach. Naging matagal at mabusisi ang taping ngayong araw sa Newport Performing Arts Theatre dahil paulit-ulit nilan itong kinukuhanan para maperpekto nila ang bawat eksena. At balita ko super ganda daw ng rehistro ng RW Manila sa TV screen dahil super bongga naman talaga ng venue ng singing competition na pinaka-aabangan ng bayan!

Present ang Host at V-Reporters ng show na sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Robi Domingo. Sina Toni at Alex ay nag-check in sa Marriott Hotel habang si Robi naman ay sa Remington ng RW Manila.

Next week, July 9 and 10 sa STUDIO 10 (The ASAP Studio) gaganapin ang pinaka-aabangang BATTLE ROUNDS!


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    July 2, 2013 at 7:37 AM | Permalink

    Bakit ASAP studio lang ang battle rounds? Akala ko ba sa RW Manila na! Sana lang hindi magmukhang ASAP stage pa din ang Battle Rounds

  • July 2, 2013 at 9:51 AM | Permalink

    Medyo ayos pa sa ASAP studio di ba Bongga nman po ang LED stage ng ASAP so sana! sana lang po cguro sa budget nga nagkaproblema, kung may mag sponsor lang sana ng bongga para magkaroon ng sariling studio ang the Voice then full of LED stage ,then with the World Class Artist/Performers/Coaches. Yun Oh! Ayos na ayos.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS