Coach Sarah & Former 'Star For A Night' Rival KLARISSE DE GUZMAN Maghaharap Muli sa 'The Voice PH'


Share



Muling makakakarap ni coach Sarah Geronimo ang dating katunggali niya sa isang singing competition ngayong Sabado (July 20) sa mas tumitinding labanan sa top-rating at Twitter-trending na singing-reality show na 'The Voice of the Philippines.' Sasabak sa Blind Auditions ang kapwa contestant niya sa 'Star for a Night' na si Klarisse de Guzman, na kasulukuyang gumagawa ng pangalan sa SoundCloud.

Matatandaang sa 'Star for a Night' nanalo at unang nakilala ang Popstar Royalty, sa pag-asang mapaikot ang isa sa mga coaches chair at mabigyan ng ikalawang pagkakataon na maparinig ang boses at musika niya sa publiko. Sino ang mga coach na haharap sa kanya? Kasama ba rito si Sarah? Ano ang magiging reaksyon ni Sarah kapag nakita na niya ang dating kalaban? Samantala, ilang puwesto na lang ang nalalabi bago makumpleto ng coaches ang kani-kanilang teams. May tig-labing isang artists na sina coach Lea Salonga at coach Bamboo; sampu naman kay coach Apl de Ap at may siyam naman si coach Sarah. Pakatutukan ang 'The Voice of the Philippines' tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:15 PM sa ABS-CBN. I-tweet ang iyong mga opinion sa show gamit ang hashtag na #VoicePH.

Photo by ABS-CBN and Talpa


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

1 Comment

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS