Battle Round Ng 'The Voice PH' Magsisimula Na Bukas, TOP 52 Artists Magbabakbakan Na!


Share



Magsisimula na ang mas matinding bakbakan sa kantahan ngayong Linggo (July 28) sa pag-arangkada ng ‘Battles’ round ng top-rating at Twitter-trending na singing-reality show sa bansa na 'The Voice of the Philippines.'



Makukumpleto na ang tig-13 artists ng bawat team nina coaches Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga at sa puntong ito ng kumpetisyon, sila-silang magkakagrupo ang maghaharap para sa eliminasyon.



Sasailalim sa tinatawag na ‘pairing’ ang artists at coaches o proseso kung saan pipiliin ng bawat coach ang dalawang artists mula sa kanyang team na maglalaban-laban sa Battles. Ang coach din ang mamimili ng kantang aawitin ng magtutunggaling artists. Magtatapos ang laban sa pagpili ng coach ng artists na nagwagi at mag-a-advace sa susunod na level ng kompetisyon – ang Live Shows.



Dahil sa may tig-13 artists ang apat na teams kung kaya’t may pagkakataon na tatlong artists ang maglalaban sa isang round.


Sino-sino nga kaya ang magtutuos? At kaninong boses ang mangingibabaw sa laban?


Bago iyan, alamin muna ang mga pangalang kukumpleto sa bawat teams bukas (July 27) sa huling gabi ng Blind Auditions.


Pakatutukan ang 'The Voice of the Philippines' tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:15 PM sa ABS-CBN.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS