Albino Twins Sasabak sa 'The Voice PH' Blind Auditions


Share



Nasaksihan na natin sa mga nagdaang episodes ng nangungunang 'The Voice of the Philippines' ang pagsabak ng magkaka-Kapamilya sa pinag-uusapang Blind Auditions. Andiyan ang mag-amang duo na sina Mark at Willy Cordovales, magkapatid na duo na sina Guji at Grace Lorenzana at meron ding mag-ina.

Di pa diyan nagtatapos ang listahan dahil kasama ring sumabak sa Blinds ang magkapatid na kambal na sina Charmaine at Charlene Albino.




Unang nakilala ang ALbino twins sa Korean talent show na 'K-Pop Star Hunt' kung saan naging finalists sila. Kahit di nagwagi sa kumpetisyon ay tumatak naman sa mga manonood ang magkapatid na K-Pop fans na ito. Nagpopost din sila ng mga covers sa YouTube. At ngayon naman sa sariling talent show ng Pilipinas naman sila sasabak. Kaya kaya ng pinagsanib na boses nila na magpaikot ng Red Chairs? Abangan sa final 3 episodes ng 'The Voice of the Philippines' BLIND AUDITIONS sa ABS-CBN!

Photo by Yahoo! PH


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS