'The Voice PH' Live Shows Magsisimula sa AUGUST 24


Share



Pangarap ang puhunan, boses ang labanan, ito ang 'The Voice of the Philippines.'

Isang kakaibang reality-based talent competition ang tiyak na babago sa mukha ng singing competition sa Pilipinas. Kakaiba dahil bawat stage/round at rules ng competition ay naiiba sa mga nakasanayan nating singing competition.

Una na diyan ang Blind Auditions, kung saan nakatalikod ang mga Coaches habang nagpeperform ang isang artist. Kapag may Red Chair na umikot, nangangahulugan na pasado ang isang artist at mapapabilang siya sa team ng coach na nag-buzz sa kanya. Kung higit sa isa ang Red Chair na umikot, kailangan mamimili ng artist kung kaninong team siya mapupunta.

Sa ikalawang stage na tinatawag na Battle Rounds, ay parang boxing na maglalaban ang bawat artist. Sa bawa pares na maglalaban, isa sa kanila ang mananalo at tutungo sa 3rd and final round ang Live Shows at ang isa naman ay matatalo. Ang Blind Auditions at Battle Rounds ay tatagal ng 10 weeks o 20 episodes.

Pagdating sa Live Shows, magpeperform na ang Top Artists ng LIVE at makakasama na ng Coaches ang taong bayan sa kung sino ang mananatili sa kumpetisyon at ang matatanggal. Sa bandang huli, bawat team ay magkakaroon ng tig-iisang representative sa Grand Finals, kung saan malalaman na natin ang kauna-unahang 'The Voice of the Philippines.' Magsisimula ang Live Shows sa August 24 na gaganapin sa bonggang NewPort Performing Arts Theatre ng Resowrts World Manila.
Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS