Mga Iba't-Ibang DRAYBERS Sasabak sa Blind Auditions


Share



Buong sambayanan ay nakatutok na at nakaabang linggu-linggo sa top-rating at laging Twitter-trending na singing-reality show kung saan pangarap ang puhunan at boses ang labanan, ang 'The Voice of the Philippines.'

Mag-ala coach na ngayong Sabado (June 29) at Linggo (June 30) at pakinggan kung papasa sa inyo ang mga artist na sasalang sa Blind Auditions na kinabibilangan ng isang kalook-alike ng international star na si Rihanna, dating anorexic at voice talent sa likod ng isang sikat na fast food brand, at isang taxi driver.

Makikilala mo na rin ang nagsabi ng buti na lang The Voice ito at hindi The Face na si Mitoy Yonting (click here)

Kaabang-abang din ang isang artist na makikipag-duet kay coach Lea Salonga ng awiting 'On My Own' na mula sa Broadway musical na 'Les Miserables' kung saan kalahok ang Broadway Diva, at isa pang artist na makakaantig sa puso ng coach na si Apl De Ap at magpapaluha kay coach Sarah Geronimo.

Sino kaya sa kanila ang papasok? Kaninong teams ang madadagdagan ng miyembro? Huwag palalampasin ang pagpapatuloy ng Blind Auditions ng 'The Voice of the Philippines' ngayong Sabado (June 29), 9 PM, at Linggo (June 30), 8:15 PM sa ABS-CBN. Let your VOICE be heard, i-tweet ang iyong mga opinyon sa show gamit ang hashtag na #VoicePH.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS