Emmanuelle Vera, Invited Artist sa 'The Voice PH' Blind Auditions


Share



Noong May 16, naibahagi ko sa aking blog na isang Teleserye star ang isa sa invited artist para sa Blind Auditions ng kauna-unahang season ng 'The Voice of the Philippines.' (read here)



Ang tinutukoy kong teleserye star ay walang iba kundi ang Cornerstone artist na si Emmanuelle Vera. Kagabi sa 'Mic Test' primer, pinakita ang pasilip sa Blind Audition spot ni Eman. Si Emmanuelle ay dating napanood sa teleseryeng 'Idol' kung saan nakasama niya sina Zsazsa Padilla, Sam Milby na kasama niya sa Cornerstone, Coco Martin at ang isa sa coaches ng 'The Voice of the Philippines' na si Sarah Geronimo. Naging bahagi pa siya ng ilang Kapamilyan programs na 'Shoutout' at '100 Days to Heaven.'

Beauty Queen Sumabak sa 'The Voice PH' Blind Auditions

Sa Online World, kilala siya bilang isang parodist sa YouTube at SoundCloud. Last year, nagrelease siya ng album kung saan nakasama niya ang kapwa niya Cornerstone talent na si Yeng Constantino sa hit song na 'Manong Guard' At ang pagiging bahagi niya ng Cornerstone ang isa sa dahilan kung bakit ko siya inaabangan. Dahil kapag sinabing artist ng Cornerstone, alam mong gwapo, maganda, may star factor at higit sa lahat ay talented!

Pero ang tanong may upuan bang napaikot ang kanyang boses? At kung meron man, saang tem siyas napabilang? Yan ang dapat abangan sa pagbirit ng 'The Voice of the Philippines' simula June 15 sa ABS-CBN

Photo by TFC Godfather


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

4 Comments

  • gravatar Anonymous
    July 1, 2013 at 8:45 PM | Permalink

    bakit ganun, she's practically part of the showbiz na. hindi ba unfair ito? gaya din nung kay guji?? confused here.

  • gravatar Anonymous
    July 5, 2013 at 11:16 PM | Permalink

    @Anonymous

    Hindi bawal sa kahit anong The Voice franchise na professional artist or singer na ang kasali. That's what makes it different from other reality shows. As long as walng existing record deal, puedeng sumali.

  • gravatar Anonymous
    July 22, 2013 at 1:07 PM | Permalink

    naipalabas nba ang blind audition nia sa the voice? pra kcng ndi ko napanuod

  • gravatar Anonymous
    July 26, 2013 at 10:59 AM | Permalink

    hindi pa,,, she will be in the last episode of blind edition aired this saturday.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS