ABS-CBN Digital TV Mapapanood sa Starmobile Engage 7 TV & Engage 7 3G


Share



Sa wakas, pwede ka ng makapanood ng HD TV channels sa locally branded mobile device, thanks to Starmobile.

This year, Starmobile launched the first All-TV tablet in the Philippines - the 7-inch Engage 7 TV. All-TV kasi maaari mong mapanood ang mga paborito mong Pinoy programs sa 3 paraan.

Una, ang Analog TV na nakasanayan natin sa Home TV & Mobile TV. May pagkakataong mahina ang signal kaya malabo ang napapanood natin lalo na kung nasa biyahe o nasa indoor.

Ikalawa, ang Digital TV na maituturing na pasabog na feature nito. Ang ikinaganda sa Digital TV ay malinaw mong mapapanood ang paborito mong programa kahit mahina ang signal o nasa biyahe at indoor ka.

Ayon sa NTC, pagdating ng 31 December 2015 at 11:59 PM, lahat ng local TV stations sa ating bansa ay dapat ng mag-shift sa Digital TV mula sa Analog TV. Ang Japanese standard na ISDB-T gagamitin o i-aadopt natin for digital broadcasting. Ang Starmobile Engage 7 TV ay ISDB-T ready na ito dahil may built-in ISDB-T receiver/tuner.

Sa kasulukuyan, ang ABS-CBN Digital TV at PTV (Government TV Network) ang available for Digital TV pero di magtatagal ay magiging available na rin ang iba pang networks.

At ang ikatlo ay ang Streaming TV kung saan available ang mga local streaming websites na iWantTV, UAAP Sports TV sa device na ito. Gamit ang Internet Connection (via Wi-Fi) ay maaari mo ng balikan ang mga episodes ng mga favourite TV shows mo.

This tablet is powered by Android 4.0 Ice Cream Sandwich, runs on a 1.2GHz Allwinner A10 ARM Cortex A8 Processor, with 4,000mAH battery. It doesn't have a SIM card slot, tanging sa pamamagitan lang ng Wi-Fi ka makaka-konek.

SPECS:

1.2GHz single-core CPU
1GB RAM
4GB internal storage
microSD card slot (up to 32GB)
7-inch display
3-megapixel rear camera
VGA front camera
ISDB-T digital TV tuner; analog TV antenna
3,000mAh battery
Android Ice Cream Sandwich

Masbibili ito sa halagang PhP 5,290.


Kung gusto mo naman ng Digital TV Tablet na may 3G connection, para sa iyo ang Starmobile Engage 7 3G na mabibili sa halagang PhP 7,490. Kaya lang di available sa tablet na ito ang Analog TV, maaari kang manood ng mga TV shows sa pamamagitan ng Digital TV & Streaming TV pero mas maganda naman ang specs nito.

SPECS:

SIM slot for voice calling, texting, 3G
Qualcomm Snapdragon MSM8225 chipset
1GHz dual-core CPU
Adreno 203 graphics
512MB RAM
4GB internal storage
microSD card slot (up to 32GB)
7-inch display
3-megapixel rear camera with LED flash
VGA front camera
ISDB-T TV tuner
3,000mAh battery
Android Ice Cream Sandwich

Source: Starmobile


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS