Abby Asistio Sumabak sa 'The Voice PH' Blind Auditions


Share



Isa sa 121 artists na naimbitahan sa Blind Auditions ay ang napakaganda at talented na si Abby Asistio.

Gwapong Star Magic Artist Naimbitahan sa 'The Voice PH' Blind Auditions

Si Abby ay isang TV host, singer at songwriter at kabilang sa kilalang pamilya ng mga Asistio (Hi, Luis Asistio III). Last year, nagulat ang lahat na ilantad ni Abby sa programang 'The Bottomline' ang pagkakaroon niya ng Alopecia Areata na naging sanhi ng pagiging bald niya.

Ilang taon niya itong tinago sa publiko pero last year nga ay matapang niya itong inilantad. Ang pag-amin o paglantad niya ay hinangaan ng bayan at isa na ako roon. sa ngayon ay isa siyang Alopecia Awareness Ambassador.

Well, going back to "The VOICE," isa siyang RNB/Soul singer at ayon sa kanya mahal niya ang musika. Sa katunayan, last year naglabas siya ng kanyang album kung saan naging bahagi nito ang kantang 'Tagpuan.'


Ang album niya ay produced ni Jumbo de Leon na siyang sumulat ng kanta ni Toni Gonzaga sa 'Himig Handog P-Pop Love Songs.'

Dahil sa kanyang kondisyon, sinulat niya ang kantang 'Beautiful.'


Abangan kung may Red Chair bang iikot sa kanyang boses sa 'The Voice of the Philippines' magsisimula na bukas, June 15.

Photo by Abby Asistio


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS