Ultimate Party Couple, Makikilala na sa Grand Party ng Boracay Bodies Ngayong Sabado


Share



Walong party people ang pinagsama-sama sa Boracay upang sumabak sa iba’t ibang matitinding challenges sa isla. Lahat sila ay may iba’t ibang drama at kani-kaniyang eksena pero sa bandang huli, magkakaalaman na kung sino sa kanila ang tatanghaling Ultimate Party Couple na mag-uuwi ng isang milyong piso.

Matapos ang kanilang free day, sumabak muli ang mga party people sa kanilang huling challenge. Dito sinubok ang kani-kanilang diskarte sa pamimigay ng color-coded chips sa mga bakasyonista at turista sa Boracay. Paramihan kasi ng chips ang labanan at ang puntos na makukuha nila mula rito ay idadagdag sa kabuuang score na nakuha nila mula sa mga nakaraang challenges.

Sino kaya ang mangunguna? Sa girls, tila may bentahe si Ethel. Pero di rin magpapahuli si Wendy. Sa boys naman, nag-aagawan sa unang puwesto sina Brent at Victor!

Tutukan kung sino sa walong party people ang tatanghaling Ultimate Party Couple. Huwag palalampasin ang finale ng Boracay Bodies ngayong Sabado, Mayo 25, 9PM, sa TV5!


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS