Toni Saret is the New Female Coach of 'Biggest Loser Doubles'


Share



Handang-handa na ang pagbabalik ng pinaka-bigateng reality show ng bansa ang 'The Biggest Loser Pinoy Edition.' At para sa season 2 nito na 'The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles,' mga bagong mukha ang makakasama natin at ng mga bigateng Pinoy.

Ang sexy na si Iza Calzado ang bagong main host ng programa at makakasama niya sina Matteo Guidicelli (Game Master) at ang mabentang host na si Robi Domingo. Matatandaang ang dalawang original hosts ng programa na sina Ms. Sharon Cuneta at Derek Ramsay ay parehas lumipat sa TV5.

Di lang host ang bago pati rin ng female coach at business unit head ng reality show. Si reily Santiago ang bagong unit head nito na pumalit kay Direk Laurenti Dyogi na na-promote naman sa kanyang pwesto sa ABS-CBN. Yes, di na parte ng season 2 ang mataray na si Coach Chinggay Andrada at papalitan naman siya ni Toni Saret (formerly known as Toni Dimaguila).

Si Toni Saret ang napakaganda, healthy at sexy na asawa ni Coach Jim Saret. 4th Quarter, last year ng kinasal sina Jim at Toni at sa kasulukuyan ay sila ang coaches sa Medicard-Metafit Fitness.

Ang tanging orihinal mula sa season 1 na magiging bahagi ng season 2 ay si Coach Jim Saret. Matatandaang si Jim ang coach ng season 1 winner na si Larry Martin noong ito pa ay nasa Blue Team.

Ang 'The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles' ay nakatakdang umere this year.

Photo by Nice Print Photography & Exige Weddings


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS