Taping ng 'The Voice PH' Battle Round Ngayong June Na


Share



Libu-libo ang nangarap pero 121 lang ang naimbitahan sa Blind Auditions.

121 talented artists ang nagperform sa Blind Audition stage pero ilan lang sa kanila ang nakaranas ng pag-ikot ng upuan.Ilan lang ang nagbago ang kapalaran at magpapatuloy sa Battle Round.

At ngayong June, muling magbabalik ang mga invited artists sa stage ng 'The Voice of the Philippines' pero this time para sa mas matinding labanan ang Battle Round. Bawat artist na ngayon ay may team ng kinabibilangan at sa round na ito kailangan nilang mag-level up dahil kung hinde ito na ang kanilang huling round sa competition,

Pero bago pa sila magpeperform ay dadaan sila sa training kung saan makakasama nila ang coach ng kanilang team gayundin ang team advisor. Samantala, balik-Pilipinas ang ilan sa coahes na may commitments sa ibang bansa para sa taping ng Battle Round sa June. June is going to be an exciting month!

Ang Battle Round ay mapapanood simula July sa ABS-CBN with Coaches apl.de.ap, Ms. Lea Salonga, sarah Geronimo and Bamboo and hosted by Toni Gonzaga with Alex Gonzaga and Robi Domingo.

Photo by @thevoiceabscbn


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    May 23, 2013 at 7:30 PM | Permalink

    excited much! #TeamSarah

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS