South Border Member MAKI RICAFORT Sumabak sa 'The Voice PH' Blind Auditions


Share



Halos isang buwan ng tapos ang 4-day taping ng Blind Auditions ng 'The Voice of the Philippines.' At narito ang pasilip sa isa sa 121 artists na sumabaka rito.

Kaspuso Reality Star Joins 'The VoicePH'

Miyembro siya ng isang kilalang banda at napapabalitang girlfriend ang isang dating singer ng Star Records. Siya ang guitarist at isa sa vocalists ng nasabing banda pero ang kinabibilangan niyang banda ay di na masyadong active sa local music scene. Sa ngayon ay nagpeperform siya sa mga bars sa Pilipinas at may mga pagkakataon nakakasama niya magperform ang rumoured girlfriend niya.

Sa katunayan, noong Blind Audition week last month ay siya ring birthday week ng dalawa. Ang kanyang rumoured girlfriend ay sumalang rin sa Producer's Auditions sa Manila noong March 2 kasama itong si Band Member pero di siya naimbitahan sa Blind Auditions. Ang tanong mapapasama ba siya sa Battle Round? At kung nakapasa man siya, saang Team naman kaya siya napabilang? Yan ang dapat alamin sa June, sa pagsisimula ng Biggest Singing Competition ng bansa, ang 'The Voice of the Philippines' sa ABS-CBN!

UPDATE: Dumating na ang takdang panahon, ang tinutukoy kong member ng isang kilalang banda na sumabak sa Blind Auditions ay walang iba kundi si Mackey "Mark" Ricafort ng South Border. Sinamahan siya ni Aliya Parcs sa naganap sa open call auditions sa Manila noong March 9. Walang planong sumali si Aliya pero dahil andun na rin siya at nakilala naman siya kahit paano sa showbiz eh sumabak na rin siya.



Sa ngayon, guitarist at vocalist ng South Border si Mackey. Madalas magsama sina Aliya at Mackey sa mga shows.

Photo by DD


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS