Ex-Recording Artist ng Star Records na si Aliya Parcs Sumali sa 'The Voice PH'


Share



Libu-libo ang nangarap at sumali sa kauna-unahang season ng 'The Voice of the Philippines' at isa na nga rito ang former recording artist ng Star Records na si Aliya Parcs.

Naging bahagi si Aliya ng album na SINGLES ng Star Records kung saan nakasama niya sina Karel Marquez, Maoui David & Marinel Santos. Naging single niya sa album na ito ay ang hit song niya na 'I Close My Eyes.' Sa music video ng kanyang song na ito ay nakasama niya ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales.


Pero di nagtagal ang kanyang pagiging recording artist at tuluyan ng nawala sa eksena. Napabalita na lang na nag-pose siya sa isang men's magazine at naging isang ina.

Noong March 9, sa open call audition ng #TheVoicePH sa Manila, sinamahan niya ang kanyang napapabalitang rumored boyfriend (member ng isang kilalang banda read here) pero pati siya ay sumalang sa Producer's Audition.

Kapuso Reality Star Joins ’The Voice PH’ Blind Auditions

Nakapasa siya at naging bahagi ng callbacks, pero di gaya ng kanyang rumourde BF, ay di siya naimbitahan sa Blind Auditions. Di siya naging bahagi ng 121 na sumalang sa Blind Auditions pero tinawagan siya para sumalang sa Mock Taping ng blind auditions na naganap tatlong araw bago ang unang araw ng actual taping.

Tumungo siya ng ABS-CBN para sa Mock Taping pero dahil sa misunderstanding ay di na siya nagperform sa mock taping.

Ang 'The Voice of the Philippines' sana ang tutulong sa kaniya para makabalik sa eksena. Well, sana sumali na lang siya sa second season. Samantala, ngayong June na mapapanood ang unang episode ng season one.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS