Top 48 Artists Sasabak sa Battle Rounds ng ’The Voice PH’


Share



Sa loob ng apat araw na taping, 120+ invited artists ang nagpeperform sa Blind Audition stage ng 'The Voice of the Philippines.' At sa unang pagkakataon ay hinusgahan sila ng four superstar coaches na sina Apl.de.Ap, Ms. Lea Salonga, Sarah Geronimo at Bamboo.

Karamihan sa kanila ay magaling at bihasang-bihasa na sa pagkanta pero sobrang mapili at istrikto ang mga coach. Ilan sa kanila ay napabilang sa mga team ng coach at ilan pa sa mga ito ay pinag-agawan pa ng coach para mapabilang sa kani-kanilang team. Pero higit sa kalahati sa kanila ay umuwing bigo kabilang na rin diyan ang mga pamilyar na pangalan at boses sa mundo ng OPM. Baon naman ng mga di nakapasa ang ala-ala at experience ng Blind Auditions, sali na lang sila sa Season 2.

Kung may umuwing luhuan ay mayroon namang uuwing masaya dahil pasok sila sa next round ng competition ang Battle Rounds. 48 na piling-pili at mahuhusay na artists ang sasabak sa Battle Rounds. Sa bawat team ay mayroong 12 artists at sa pagtatapos ng Battle Round ay kalahati lamang sa kanila ang sasabak sa Live Shows.

Photo by Rene

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

2 Comments

  • April 20, 2013 at 6:39 PM | Permalink

    Si Sarah lang naka smile :D #teamSarah

  • gravatar Anonymous
    May 6, 2013 at 6:53 AM | Permalink

    Unless may "Power of Steal" kagaya sa current US version.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS