’The Voice PH’ Coaches Parating na ng Pinas Para sa Blind Auditions


Share



Yehey! Bilang na ang mga araw at magsisimula na ang taping ng Blind Auditions ng 'The Voice of the Philippines.' Ilang araw mula ngayon ay isa-isa ng mabubuo ang bawat team ng mga Coaches and speaking of Coaches as of last week lahat sila ay nasa ibang bansa.

Ang The Voice of Pop na si Sarah Geronimo ay nagbakasyon pagkatapos i-promote ang kanyang blockbuster film na 'It Takes A Man And A Woman' at bago pa umupo sa Red Chair bilang Coach.

Si The Voice of Rock Bamboo ay may shows sa Europe habang si The Voice of Disney and Broadway Ms. Lea Salonga naman ay shows sa US plus nag-shoot siya for the Spring collections ng isang brand. At si The Voice of Hiphop and R&B, Apl.de.Ap, as we all know, ay naka-base abroad.

At this week, isa-isa ng uuwi sa Pilipinas ang mga coach at malapit na ding maganap (makita natin) na magkakasama sila sa iisang lugar at event. Una nga sa darating ang excited na si Apl kasama ang kanyang team. Ngayong gabi siya nakatakdang dumating sa ating bansa. I heard, may magaganap na contract signing sa ABS-CBN this week para sa show na ito na tinaguriang Biggest Singing Competion in the Philippines.

Sa June na mapapanood ang 'The Voice of the Philippines' kung saan masasaksihan natin ang pagbabago sa mukha ng singing competition sa Pilipinas.

UPDATE: As of 8:15 PM, April 8, kakarating lang sa bansa ng dalawa sa coached na sina Apl.de.Ap at Sarah Geronimo para sa taping ng Blind Auditions. Nauna si Apl at sinundan ni Sarah na nagbakasyon sa Europe.

UPDATE #2: April 9 naman dumating na ng bansa ang Rock Superstar na si Bamboo.

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS