‘The Voice of the Philippines’ (Season 1) Has 8 Sets of Blind Auditions


Share



BLIND AUDITIONS - ito ang dahilan kung bakit naiiba ang global hit na 'The Voice' sa ibang singing competitions gaya ng 'Pop Idol' & 'The X Factor.'

Ito rin ang masasabing pinaka-exciting at pinkamagandang part o round ng competition dahil habang nagpeperform ang contestant ay nakatalikod sa kanya ang mga Coaches, at tanging tenga lamang ng mga coaches ang magiging basehan nila.

At sa ating sariling version na 'The Voice of the Philippines,' ang Blind Auditions taping ay kukuhanan na ilang araw mula ngayon at mapapanood ito after two months.

120+ na Pinoy na mula sa iba't-ibang panig ng mundo ang naimbitahan sa Blind Auditions. Mga Pinoy na karamihan ay may boses na pang world-class at di pa nadidinig natin. Mga Pinoy singers na mula sa iba't-ibang genres ng musika para sa competition na babago sa mukha ng mga singing copetition sa Pilipinas.

At para sa unang season, mayroong 8 sets of Blind Auditions kung saan ang bawat set ay mayroong 15-16 auditionees, pero maaaring ang ilan sa audition spots ay di maisasama sa pag-ere. Ang 8 sets ay nangangahulugan na magkakaroon tayo ng 8 regular episodes of Blind Auditions

Sa ibang versions, nagkaroon sila ng 2nd Chance episodes kung saan pinabalik ang ilan sa di pinalad para mabigyan ng isa pang chance sumabak sa Blind Audition. Ginagawa ito kung may coach/es pa na di pa nakukumpleto ang kanyang team matapos magperform ang lahat ng auditionees.

Meron ding The Best of Blind Auditions kung saan mapapanood sa isang special episode ng mga pinakamagagaling sa mga nagaudition.

Ang Blind Audition sa isang mabangong parte ng Luzon.

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS