Mag-amang MARK & WILLY CORDOVALES Sasabak sa Blind Auditions ng ’The Voice PH’


Share


120 na artists ang namibitahan sa Blind Auditions ng 'The Voice of the Philippines' at dalawa sa kanila ay ang mag-ama na mula sa Rizal.



Ang tatay na singer ay may trabaho na pangkaraniwan sa isang maralitang Pinoy. Minsan na siyang sumali sa isang talent show ngunit di siya pinalad pero nagbukas ito ng maraming pinto para sa kanya at nakilala siya bilang singer na may ganung klaseng trabaho. Naka-duet na niya ang ilan sa mga kilalang singer ng bansa at nakapag-guest sa iba't-ibang noontime shows at gayundin sa isang game show.



Kasama-sama niya ang kanyang anak na lalaki sa mga gigs niya sa iba't-ibang lugar sa bansa. Namana ng anak niya ang kanyang husay sa pag-awit at sa ngayon sila ang singer ng mga campaign jingle ng ilang pulitiko.

Sa April 18 na sila sasabak sa Blind Audition at ngayong dalawa na sila, doble din kaya ang maging swerte nila at makapasok sila sa Battle Round? Abangan yan ngayong June sa 'The Voice of the Philippines.'

I-rereveal ang kabuuan ng mga photo at pagkatao nila sa mismong araw ng pag-ere ng kanilang audition spots.

UPDATE: Dumating na ang takdang panahon dahil ilang minuto na lang mapapanood na ang kanilang Blind Audition spot. Ang mag-amang tinutukoy ko ay walang iba kundi sina Willy at Mark Cordovales.

Si Tatay Willy ay isang tricycle driver na minsan na ring sumali sa PGT 3 habang anag anak niyang si Mark ay isang college student. Kahit duo sila, counted sila as one.



Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS