Top 100+ Ng ’The Voice of the Philippines’ Naimbitahan Na Sa Blind Auditions


Share



Tapos na nga ang lahat ng klase ng auditions (special go-see, scouting, & open call: radio, online & on-grounds) para sa unang season ng 'The Voice of the Philippines.' At tapos na rin ang screening, callbacks & VTR at ngayon naghahanda na ang mga tao na nasa likod ng programa para sa tunay na umpisa ng competition ang Blind Auditions na sisimulan i-shoot next month.

Pero sa naganap na on-ground auditions marami ang nagrereklamo dahil matagal daw sila nag-audition, wala pa raw isang minuto silang pinakanta, & bakit wala raw ang 4 coaches. Una, gusto mo sumikat puwes paghirapan mo maski sina Sarah Geronimo, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Jovit Baldivino ay naghirap ding pumila sa auditions.

Ikalawa, sa dami ng nag-audition baka kulangin ang 24 oras kung papakantahin ang bawat isa ng tig-dalawang minuto. Kung magaling ka talagang singer ilang segundo pa lang ay madidinig na ang husay mo.

Ikatlo, bago ka sumali sa isang competition mag-research ka muna, kahit kailan di naging IN ang pagiging t*nga! Andyan si Google at Wikipedia matutulungan ka, mag research ka! Pwede ka pumunta sa website ng UK version mababasa mo doon na di talaga kasama ang Coaches sa Producers' Audition na hinde pinapalabas sa TV. Ang sinumang makapasa sa Producers' Auditions ang siyang haharap sa mga Judges or Coaches para sa Judges' Auditions (Idol, Got Talent, X Factor) o Blind Auditions (The Voice).

Maswerte nga ang Pilipinas dahil binigyan tayo ng maraming pagpipilian for the open call auditions sa ibang bansa mahigpit sila gaya na lamang sa UK version na kailangan ka muna nila i-email bago ka papuntahin sa venue ng open call audition.

So last last week kasabay ng conclave sa Vatican City ay naganap ang Final Casting for the Blind Auditions.

Last week naman naganap ang Live Tryout para sa mga make-up artist na magiging bahagi ng programa. Gayundin ang pagkumpirma kay Apl.De.Ap bilang 4th Coach.

At kagabi nga ay inilabas na ang promo plug for Apl as The Voice of Hiphop & R&B at sa kasalukuyan ang mahigit isangdaang nakapasa sa Producers' Auditions ay inimbitahan na para sa magaganap Blind Auditions. Alamin ang iba pang updates sa 'The Voice of the Philippines' sa mga susunod na araw.

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS