Robi Domingo Nag-taping na Para sa ’The Voice of the Philippines’


Share



Ilang araw mula ngayon ay magsisimula na umikot ang Red Chair ng mga Pinoy Coaches para sa taping ng Blind Audition ng unang season ng 'The Voice of the Philippines.' Pero bago humarap ang 120+ hopefuls sa mga Coach na sina Voice of Pop Sarah Geronimo, Voice of Rock Bamboo, Voice of Disney & Broadway Ms. Lea Salonga, and Voice of Hiphop & RNB Apl.de.Ap ay humarap na ang ilan sa kanila sa The Voice of Social Media Robi Domingo.

Iba iba ang naging paraan para ipaalam sa lucky hopefuls na imbitado sila sa Blind Auditions. Ang iba ay pinadalhan ng sulat, may tinawagan at meron ding sinurpresa at pinuntahan sila mismo sa kanilang bahay o lugar na espesyal sa buhay nila. Last week nga, bago pa magbakasyon si Robi sa Japan with his rumoured girlfriend and fellow Atenean, Gretchen Ho, ay pinuntahan na niya ang ilan sa mga lucky hopefuls para imbitahan sila sa Blind Audition.

Ilan sa lugar na pinuntahan niya ay ang Rizal at ang isang Cafe sa Parañaque City (bawal banggitin ang name ng establishment). That sugod-bahay thingy ay ginawa na rin nila sa 'PBB Unlimited Update.'

Sinu-sino kaya ang ilan sa mga naimbitahan. Well, bawal i-reveal ang kanilang pangalan hangga't di umeere ang audition nila.

Para sa latest updates sa #TheVoicePH, follow me on Twitter >>> @byxspeaks

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS