Matteo Guidicelli is the New Game Master-Host of ‘Biggest Loser Doubles’


Share



Proud Cebuano. Gwapo. Mabait. Di pa ganun katagal sa mundo ng Showbiz. At mahilig sa G.... Gym kaya naman kasing sarap ng Italian Food ang kanyang katawan!

Siya si Matteo Guidicelli, ang makakasama ni Iza Calzado bilang mga bagong Host ng bigateng reality show ng ABS-CBN!

11 years old pa lang si Matteo nang maging isa siyang car racer at di nga nagtagal ay pumasok siya sa mundo ng showbiz. Nakilala siya ng husto ng gumanap siya bilang isa sa mga leading men ni Andi Eigenmann sa fantaseryeng 'Agua Bendita' at sa kasalukuyan ay napapanood siya sa hit panghapong seryeng 'PHR: Paraiso.'

Isang bigateng hamon para kay Matteo ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN, ang maging Game Master ng 'Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.' Siya ang magbibigay ng mga hamon sa mga pares na bigateng Pinoy. Kung dati sumabak siya sa karera ng mga car at ngayong 2013 ay karera naman ng pagpapayat ang kanyang papasukin. At sa ganda ng kanyang katawan ay tiyak magiging inspirado ang mga bigateng Pinoy na magpapayat at magpaganda ng katawan.

Next month na ang simula ng taping at tiyak na mas papainitin nina Iza Calzado at Matteo Guidicelli ang ating summer sa pagsisimula ng 'Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.'

Photo via Cosmo.PH

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

6 Comments

  • gravatar kara
    March 12, 2013 at 1:07 AM | Permalink

    I am so excited for Slater...can't wait to watch the show. Congratulations, Slater!

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2013 at 10:00 AM | Permalink

    tama na at last mas bagay si Matteo kay Slater

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2013 at 11:39 PM | Permalink

    dfvdfgfdgfdgfdg

  • gravatar Anonymous
    March 13, 2013 at 12:03 AM | Permalink

    I love Matteo

  • gravatar Anonymous
    March 13, 2013 at 1:42 AM | Permalink

    mas ok siya kesa kay slater :D

  • gravatar Anonymous
    March 13, 2013 at 7:33 PM | Permalink

    Bongga ka bai. Deserving siya!!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS