Is ’It’s Showtime’ Going To END?


Share



Ilang araw ng kumakalat ang balitang magpapaalam na ang Kapamilya noontime show na 'It's Showtime.' So, nagtanong ako sa mga Kapamilya tungkol sa balitang ito na pinakalat ng masamang hangin.

Ayon sa kanila, hinde totoong mawawala ito sa ere. Kung tutuusin palaban sa ratings sa noontime block ang 'It's Showtime,' sa katunayan ilang beses na rin tinalo nito ang biggest competitor nito na 'Eat Bulaga.' Dagdag pa ng ilan, ang mga makahulugang mensahe ng mga host, especially ni Vice Ganda, noong February 28 episode ay pawang mga biruan lamang nila.

Sa mga darating na linggo, matutunghayan na ang Grand Finals ng Bida Kapamilya Round 2. Sinong pamilya ang magwawagi at mag-uuwi ng P1 Million at sino ring Celebrity Mentor ang magagawang ipanalo ang kanyang pamilya. Sa pagtatapos ay meron ding bago o mga bago na magsisimula na dapat abangan. Balita ko rin ay may pinpalano rin silang Holy Week special pero di pa ito nafi-finalize.

Ang 'It's Showtime' ay nasa ilalim ng pamumuno ngayon ng bago nitong Business Unit Head na si Jun Santiago, na isa sa mga bagong Head ng iniwang unit ni Direk Lauren Dyogi matapos nitong ma-promote sa Kapamilya network. Si Alou Almaden (The Voice of the Philippines, The X Factor Philippines, Minute to Win It & Kapamilya, Deal Or No Deal) ang unang Business Unit Head ng programang ito.

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    March 30, 2013 at 6:28 AM | Permalink

    What's up to all, how is everything, I think every one is getting more from this web site, and your views are pleasant in support of new viewers.

    Feel free to visit my blog :: visit the next web site

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS