Special Audition of ‘The Voice of the Philippines’ on March 1


Share



Kilala na natin ang COACHES ng 'The Voice of the Philippines' at sa mga susunod na buwan makikilala naman natin ang 4 ADVISORS na tutulong sa bawat team. At 3 buwan na lang ay mapapanood na natin ng biggest singing competition on Philippine TV pero sinu-sino ang mga hopefuls na maaaring maimbitahan sa Blind Audition.

Last year pa lang ay sinuyod na ng mga Talent Scout para hanapin ang mga Pinoy na may bonggang boses na di pa natin nakikita/nadidinig sa TV. Ilan sa kanila ay mga contestants at winners ng mga singing competitions sa Mall at sa mga Fiesta. Meron ding mga singer sa bar, restaurant, choir, YouTube, Glee Club, Sound Cloud, etc. Ilan sa kanila ay last year pa lang na-interview at na-VTR na at naimbitahan na sa Blind Audition.

Inimbitahan din ng producers ang mga talent agency na magpadala ng kanilang talents para sa Special Audition. Bawat isa sa mga sumali ay pumasok sa isang kwarto na tanging Mic lang ang laman habang ang judges ay nasa tagong lugar.

Mayroon ding The Voice ng Radyo at Online Auditions at ang huli ay ang On-ground auditions.

At sa darating na March 1, Friday, 1-7PM, may isang Special Audition na magaganap. Ikaw na ba ang kauna-unahang 'The Voice of the Philippines'? Let your voice be heard at sumali na sa special audition na gaganapin sa Room 203 Second Level, Timog Building, Eugenio Lopez Drive, Quezon City sa harap ng ABSCBN Audience Entrance at sa tabi ng Wiltower Mall. May edad 15 years old and above na marunong kumanta lamang ang pwede tumungo sa go-see na ito.

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

3 Comments

  • February 28, 2013 at 9:10 PM | Permalink
    This comment has been removed by the author.
  • gravatar Anonymous
    February 28, 2013 at 10:05 PM | Permalink

    totoo ba ito

  • gravatar Anonymous
    March 7, 2013 at 6:40 PM | Permalink

    Bakit Ganun 15 yrs. Old above.Pwede namang 13 yrs. Old above :(.Hindi tuloy ako makakasali

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS