'Pinoy Big Brother' & 'The Voice' May Bagong Business Unit Heads


Share



Sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya, 'Pinoy Big Brother,' at sa pagsisimula ng biggest vocal competition ng bansa ang 'The Voice of the Philippines' ay di na ang minamahal natin na si Direk Laurenti Dyogi ang magiging Business Unit Head ng mga nasabing programa.


Mula sa pagiging production assistant to to writer to researcher to associate producer to director to business unit head, mas tumaas pa ang naging posisyon ni Direk lauren sa ABS-CBN. Iniwan na niya ang kanyang unit sa ABS-CBN, ang unit na nagbigay sa atin ng mga hit shows gaya ng 'Pinoy Big Brother,' 'Biggest Loser,' 'Precious Hearts Romances,' 'MasterChef Pinoy Edition,' at marami pang iba. Kahit na iniwanan na niya ang kanyang staff sa Reality Unit ay sinusupervise pa rin niya ang mga ito.


Si Alou Almaden na ang Business Unit Head ng 'The Voice of the Philippines.' Si Ms. Alou ang may hawak ng mga Kapamilya shows gaya ng 'Minute to Win It,' 'Pilipinas Got Talent' at 'The X Factor Philippines.' Dati niyang hawak ang 'It's Showtime' pero napunta na ito kay Jun Santiago.

Sa sobrang laki ng 'The Voice of the Philippines' ay minabuti ng ABS-CBN pagsamahin ang Game Unit ni Ms. Alou at ang Reality Unit na pinamumunuan na ngayon nina Jun Santiago at Mercee Gonzales.

Ang mga drama shows naman sa reality unit gaya ng 'Precious Hearts Romances' ay hawak na ng Business Unit Head na si Ms. Maru Benitez.

Sa ngayon di pa alam kung sina Ms. Mercee at Jun Santiago ang hahawak ng bagong season ng 'Pinoy Big Brother' o si Ms. Mercee na lang ang solong mamumuno rito bilang busy si Jun Santiago sa 'It's Showtime,' 'I Dare You,' at 'Biggest Loser.'

Photos by Robi Domingo fans


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS