Coaches ng ’The Voice of the Philippines’ Makikilala na Ngayong February


Share







Humanda ka na dahil nalalapit na ang kanilang pagdating. Isa-isa mo ng makikila ngayong Pebrero ang 4 Musicians na uupo sa Red Chair bilang mga COACH ng 'The Voice of the Philippines.'

Apat na kilala at nirerespetong musicians ang tutulong sa atin sa paghahanap ng The Voice of the Philippines. Apat na coaches na magbibigay kulay, drama, saya, at tensyon sa nasabing programa.

Pero sino-sino nga ba ang mga COACH!

Sila ay nagmula sa iba't-ibang genre ng musika.

Huwag kang tutungo sa POWDER ROOM baka ang kanta ng isa sa mga coach ay doon makita.

Sigurado akong magiging MAKULAY ang sinabawang gulay kapag kanta ng coach na ito ang iyong nadinig.

Makikita mo ang Coach na ito sa SOUTHERN PART ng METRO MANILA dahil doon ay kilalang-kilala siya.

Mapapasayaw at mapapakanta ka ng BEBOT BEBOT BEBOT BET... dahil isa siyang World Class Filipina, Filipina, Filipina.

Mahilig ba ang Coach na ito sa Choco na Gatas o Gatas na Choco? Sigurado ako uupo siya sa Red Chair.

Di siya maituturing na Diva pero isa siyang Bigateng Musician.

Sa kastilyo di siya makikita dahil sa enteblado siya ay kumakanta. Upuang pula sa kaniya'y nababagay.

Nanaisin mo kayang tumungo sa Hong Kong, US at Japan para ang Coach na ito iyong makita.

Ibang lahi sa kanya humanga. Wala siyang kailangang patunayan dahil Pangalan pa lang niya ay babagay na sa Red Chair.

Magkukulang ang iyong mga daliri sa dami ng hits ng Coach na ito.

Makakabirit ka pa kaya o titili ka na lang kapag isang Gwapo at Astig na Musician ang uupo sa Red Chair?

Kilala bilang Istrikto pero sa dati niyang banda siya ay nirerespeto.

Gets ninyo na? Sinusugurado kong mahihirapan kayo sa mga clue.

Isa-isang kilalanin ang FOUR COACHES ngayong Pebrero. Abangan ang nalalapit na pagbirit ng 'The Voice of the Philippines' sa ABS-CBN.

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS