KUMPIRMADO: Dawn Zulueta Kasama na sa Cast ng 'Bukas na Lang Kita Mamahalin'


Share



Kumpirmado si Ms. Dawn Zulueta na nga ang papalit kay Ms. Maricel Soriano para sa inaabangang teleseryeng 'Bukas na Lang Kita Mamahalin' matapos matanggal ang ikalawa nang magkaroon ng di pagkakaunawaan sa bida ng seryeng si Gerald Anderson.



Ito ang pagbabalik teleserye ni Ms. Dawn matapos ang hit teleseryeng 'Walang Hanggan' last year. Ayon pa sa kanya, hinde issue kung second choice lang siya. Dagdag pa nito:

Ibang genre ito. It's more of a
family drama. Sumesentro siya sa
relasyon ng mag-ina.

Prangkahan na lang, kung utang
na loob ang pag-uusapan natin dito,
meron ako nun.

I've decided that I want to do it
because I want to do the role.. And in all
honesty, I want to make Maricel proud.

I don't pay attention to
intrigues...I just wanted to start the year
fresh

Pinasalamatan naman niya si Vice Ganda dahil sumikat ang katagang "I-Dawn Zulueta mo ako"

Ang 'Bukas na Lang Kita Mamahalin' ay nakatakdang umere mid.this year. Ito ay inspired ng US drama series na 'Prison Break.' Gaganapan ni Dawn ang role bilang ina ni Gerald Anderson na isa namang bilanggo na tumakas.

Makakasama din nila sa inaabngang teleserye sina Cristine Reyes na gaganap na abogada, Rayver Cruz na makakaagaw ni Gerald kay Cristine, Dina Bonevie na isa raw pulitiko rito, Tonton Gutierrez at ang bagong Kapamilyang si Diana Zubiri.

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS