Kapuso Star Yasmien Kurdi Isa ng Ina


Share



Matagal ng di visible sa showbiz ang Kapuso star na si Yasmien Kurdi at akala ng marami ay naging busy ito sa pag-aaral pero ang di natin alam ay nanganak na pala ito.

Isa na ngang proud mommy si Yasmien kay baby Ayesha na sinilang noong November last year.

January last year nang kinasal siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na naging dahilan ng pagtatampo ng kanyang ina sa kanya. At hanggang ngayon ay di pa nakikita ng kanyang ina ang apo nito sa kaniya.

Sa ngayon busy ito sa pagiging ina pero sana makabalik siya sa showbiz dahil marunong naman siya umarte at naging fan ako ng song niyang 'I Know' kahit cheezy ito.

Si Yasmien ay nakilala nang sumali ito sa unang season ng 'Starstruck' ng GMA kung saan tinanghal siyang First Princess. Sa mga kasaahan niya sa talent show tanging si Sheena Halili lang daw nakakaalam na nagbuntis siya.

Abangan ang kanyang pag-amin sa Sabado sa 'StarTalk.'

Source: Lolit Solis


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS