Vic Sotto, Erap, Angel Locsin & Julia Montes Makikigulo sa 'Gandang Gabi Vice'


Share



Sa huling tatlong Linggo ng 2012 puro mga bigateng guests ang makikigulo kay Vice Ganda sa Trending Capital ng bansa ang 'Gandang Gabi Vice.'

Sa December 16, mapapanood ang bida ng MMFF 2012 entry na 'One More Try' na si Angel Locsin. Ano ang mga bago nating matutuklasan kay Angel sa muli niyang pakikipagchikahan kay Vice?

Sa Christmas special naman maghaharap ang dalawang hari ng noontime: Vice Ganda at si Bossing Vic Sotto. Bilang bahagi ng diwa ng ka-Paskuhan, mapapanood natin sila unang pagkakataon at tiyak riot ang V & V na episode na ito na matagal na nating pinapangarap na mangyari. Abangan ang harapang Enteng Kabisote at Sisteraka sa GGV sa December 23.

At bago pa pumutok ang mga paputok sa Bagong Taon dalawang pasabog na bisita ang dapat angan. For the very first time, isang dating pangulo ng Pilipinas ang makikipagkulitan kay Vice. Abangan si Former President Josepeh 'Erap' Ejercito Estrada sa New Year special ng GGV. O, huwag na tayo magulat na isa na namang pulitiko na tatakbo sa 2013 ang guest nila, ganyan talaga ang life. Tawanan na lang natin ang kalog side nila.

Kasama din sa nasabing episode na mapapanood sa December 30 ang isa sa mga bida ng MMFF entry na 'The Strangers' na si Julia Montes.

Photo via Push.com.ph
Source: June Pascual

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS